-- Advertisements --
Naging kontento si Gilas Pilipinas coach Yeng Guiao sa performance ng koponan sa isinagawang 8-day training camp nila sa Spain.
Sinabi ni Guiao, kahit natalo sila sa Congo ay naipakita ng Gilas ang kanilang kagalingan.
Sa nasabing laro aniya ay nakita niya ang mga kahinaan at kalakasan ng mga 11-manlalaro na isinama sa training camp na maaari pang mabago.
Nakatakdang bumalik sa bansa bukas ang Gilas at ipagpapatuloy nila ang ensayo sa susunod na dalawang linggo bago ang pagtungo nila sa China para sa FIBA World Cup na gaganapin mula Agosto 31 hanngang September 15.
Inaasahang makokompleto na rin ang line-up ng national basketball team ng bansa dahil sa matatapos na ang PBA championships.