-- Advertisements --
RAVENA KIEFER
Kiefer Ravena/ Photo courtesy of FIBA

Sabik na umano si NLEX coach Yeng Guiao sa napipintong pagbabalik ni Kiefer Ravena sa Road Warriors.

Ilang buwan na lamang kasi ang nalalabi bago mapaso ang ipinataw na 18-month ban ng FIBA kay Ravena makaraang makitaan ng tatlong prohibited substances o banned drugs na nasa listahan ng World Anti-Doping Agency.

Bagama’t papayagan lamang makalaro ang NLEX stalwart sa Agosto 24, maaari na itong makalahok sa team practices sa Junyo 24.

Ayon kay Guiao, malaki umano ang magiging impact ni Ravena sa team lalo pa’t kailangan nila ng tulong sa posisyon ng point guard.

“Malaking, malaking epekto ‘yun sa team kapag nandiyan na siya. Namomroblema kami sa point guards. We are looking for somebody who can anchor us at the point guard position,” ani Guiao.