-- Advertisements --
Gilas Pilipinas
Gilas Pilipinas

Mayroon ng napili si Gilas Pilipinas coach Yeng Guiao na 10 manlalaro na tiyak na isasabak para sa 2019 FIBA World Cup.

Sinabi Guiao na kinabibilangan ito nina Andray Blatche, Japeth Aguilar, Mark Barroca, Beau Belga, Robert Bolick, Poy Erram, Paul Lee, Gabe Norwood, CJ Perez, Kiefer Ravena at Matthew Wright.

May dalawang manlalaro pa ang bakante na kanilang isasapinal ilang araw bago ang katapusan ng buwan.

Patuloy ang ginagawa nilang assesment sa kasalukuyang ginanganap na training camp sa Spain.

Magugunitang tinalo ng Gilas ang Congo at nakatakda nilang harapin ang Ivory coast o Australian team.