-- Advertisements --
Malugod namang tinanggap ni Gilas Pilipinas coach Yeng Guiao ang pagpresinta ng ilang mga manlalaro at mga import ng PBA na makibahagi sa Gilas Pilipinas.
Isa sa pinakahuling nagpresinta ay si Beermen import Chris McCullough na nagpresinta na maging naturalized player ng Gilas.
Hindi kasi nagdalawang isip ang 6’8″ na import sa interes na maglaro sa nalalapit na 2019 FIBA World Cup sa darating na Agosto sa China.
Nauna rito naghahanap ang Samahang Basketball ng Pilipinas ng ilang mga kandidato para sa naturalization upang may options sila sa ilang mga international tournaments bukod kay Andray Blatche.