-- Advertisements --

Tiniyak ng pamunuan ng pambansang pulisya ang agarang pagpapatupad ng unilateral ceasefire sa CPP-NPA-NDF ngayong pasko at bagong taon batay sa kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay PNP spokesperson C/Supt. Dionardo Carlos, binabalangkas na ng PNP ang guidelines sa pagpapatupad ng unilateral ceasefire sa CPP-NPA-NDF.

Una nang idineklara ni Duterte ang suspension of military operations mula December 24 hanggang January 2, 2018.

Ayon sa Malacanang, ang hakbang ng Pangulo ay upang mabawasan angg  pag-aalala ng publiko ngayong kapaskuhan.

Tiniyak naman ni Carlos na agad din nilang ipapaalam sa pamamagitan ng ilalabas na memorandum circular sa lahat ng field units ng PNP ang pagpapatupad ng unilateral ceasefire.

“The PNP will follow the directive of the President, Chief Executive and Commander-in-chief. The corresponding memo circular will be issued soonest so that all PNP units, offices and stations will be guided accordingly,” pahayag pa ni Carlos.