-- Advertisements --

Maglalabas ang Commission on Elections (Comelec) ng guidelines para labanan ang red-tagging at gender-based sexual harassment sa panahon ng kampaniya para sa 2025 midterm elections.

Ayon kay Comelec chairperson George Garcia, umaasa silang matatapos ang naturang guidelines sa susunod na lingo.

Sa Safe Space Act, mag-iisyu din ang poll body ng guidelines para striktong maipatupad sa panahon ng kampaniya para maiwasan ang catcalling at pang-iinsulto.

Una na ngang nagpadala ang Makabayan bloc ng sulat kay Garcia na nagpapahayag ng pagkabahala sa ilang mga probisyon ng Comelec Resolution 11064 kabilang ang mandatoryong pagrehistro ng social media accounts, websites at iba pang digital campaign platforms ng mga kandidato, partido, at kanilang supporters dahil maaari aniya itong makaapekto sa freedom of expression.