Sisimulan na bukas ang publication ng guidelines para sa unang bugso ng umento sa sahod ng mga government workers.
Layunin nitong masunod ang itinatakdang period para sa pagpapatupad ng isang batas.
Ito ay makaraang magbigay ng “go signal” ang Department of Budget and Management (DBM) sa mga ahensya ng gobyerno na ibigay na ang dagdag na sahod sa kanilang mga kawani.
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, pirmado na ang guidelines para sa salary increase adjustments sa hanay ng mga manggagawa sa mga tanggapan ng pamahalaan.
Sa isyu naman ng pondong gagamitin, kukunin umano ito sa personnel services budget ng mga ahensya at kung kulang ay dadagdagan na lang iyon mula sa miscellaneous personnel benefits fund.
Pero nakadepende pa rin ito sa bilis magproseso ng mga Human Resources Department ng bawat ahensya ng gobyerno na saklaw ng batas.