Isinapubliko na ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga ipatutupad na guidelines sa selobreasyon ng “Misa de Gallo” o Simbang Gabi.
Batay sa Circular No. 20-82, mahigpit pa rin na ipatutupad sa mga dadalo sa Simbang Gabi ang social distancing, pagsusuot ng face mask at pagbabawal ng mass gatherings.
Tulad ng tradisyon na magsisimula ang Simbang Gabi tuwing Disyembre 16 hanggang 24, pwedeng isagawa ang anticipated mass ng alas-6:00 ng gabi habang ang lass mass naman ay papayagan hanggang alas-6:00 ng umaga
Ayon pa sa CBCP, base sa kanilang konsultasyon sa mga pastor at pakikipagtulungan na rin sa local government unit (LGU), ay maaaring makapag-schedule ng mas marami pang Simbang Gabi sa iba’t ibang malalaking simbahan na kayang mag-accomodate ng mas maraming tao pero ipapatupad pa rin ang social distancing.
Hinihikayat din ng CBCP ang live streaming ng liturgical celebrations para sa mga hindi makakadalo ng misa.
Sa Christmas Eve naman, ang Vigil Mass of Christmas ay maaaring isagawa mula alas-6:00 ng gabi at ang huling misa naman sa Disyembre 24 ay para naman sa liturgy ng Midnight Mass of Christmas, ayon kay CBCP President Davao Archbishop Romulo Valles.