Naglabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng guidelines para sa computation ng mandatoryong pagbibigay ng 13th month pay ng mga empleyado sa pribadong sektor para ngayong taon.
Sa ilalim ng batas, ang 13th month pay na matatanggap ay dapat na hindi mas mababa sa 1/12 ng kabuuang basic salary ng empleyado sa loob ng isang calendar year.
Kabilang sa makakatanggap ng naturang benepisyo ay ang mga manggagawa anuman ang kanilang posisyon, katungkulan o employment status at anuman ang paraan kung paano binabayaran ang kanilang mga sahod sa kondisyon na sila ay nagtrabaho nang hindi bababa sa isang buwan sa isang calendar year.
Ayon sa DOLE, entitled na makapatanggap ng 13th month pay ang mga empleyadong nagbitiw o na-terminate, nasa maternity leave at nakakatanggap ng salary differential.
Naglabas din ang labor department ng mga panuntunan para sa pag-compute ng duly 13th month pay base sa prevailing daily basic wage.
Para macompute ang matatanggap na 13th month pay, ayon sa DOLE kapag naka-isang taon na o mahigit ay pasamahin ang buong sahod mula Enero hanggang Disyembre saka hatiin ito sa 12 buwan. Kapag wala pang isang taon, icompute ang sahod mula sa buwan na nag-umpisa hanggang Disyembre at hatiin sa 12.
Tulad halimbawa sa bagong matrix ng basic wage sa National Capital Region kung saan pumapatak sa P570 kada araw na basic salary multiply sa 6-days workweek o katumbas ng buwanang basic salary na P14,867.50 (P570.00*313/12 months).
Nagbabala naman ang DOLE sa lahat ng private employers na mag-implementa ng mandatory 13th month pay rules salig sa Presidential Decree 851.