Target na ilabas ng pamahalaan sa December 10 ang mga alituntunin para sa planong pagbabakuna ng booster shots sa mga kababayan nating kabilang sa adult population na nakatanggap na ng kumpletong bakuna para ng primary series matapos ang anim na buwan.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa kasalukuyan ay hindi pa nailalabas ang operational guidelines ng rollout para sa booster shots dahil may mga bagay na kailangang isaalang-alang sa pagpapatupad nito dahil maaari aniya itong maghalo o maging sanhi ng dagdag na trabaho para sa mga manggagawang bahagi ng mga bakunahan at iba pang sakop nito.
Pagbibigay diin naman ni Vergeire na nananatiling priority pa rin ang pagbibigay ng booster shots at third dose para sa mga kababayan nating healthcare workers, senior citizens, at mga immunocompromised patients.
Matatandaang una rito ay inaprubahan na ng Food and Drug Administration ang emergency use authorization ng mga COVIC-19 vaccines bilang booster shots para sa mga indibidwal na may edad 18 taong gulang pataas.