-- Advertisements --

Inaasahang mailalabas na susunod na dalawa o tatlong araw ang guidelines para sa implementasyon ng granular lockdown sa Metro Manila ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya.

Paliwanag ni Malaya na kasalukuyang nirerepaso pa ang guidelines upang maiwasan ang pagkakaroon ng kalituhan sa publiko sa pagpapatupad ng granular lockdown.

Hindi naman aniya maaaring magpatupad ng granular lockdown ng hindi maliwanag ang guidelines sa 4 alert level status nito na siyang magdedetermina sa kapasidad ng ilang mga negosyo at aktibidad na papayagan sa ilalim ng localized granular lockdown.

Sa ngayon, mananatili sa Modified Enhanced Community Quarantine ang Metro Manila hanggang Setyembre 15 matapos na bawiin ng covid19 pandemic task force ang pagluluwag sa General community quarantine kasabay ng pilot testing ng granular lockdown sa NCR.