-- Advertisements --

Babalangkas ang Korte Suprema ng guidelines at protocols sa paggamit ng mga body cameras sa mga police operations.

Kasunod ito sa pormal na paglunsad ng PNP ng paggamit ng mga body cameras.

Ayon kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar na nakipag-ugnayan na sila sa korte suprema para walang problema kung isumite nila ang mga kuha ng mga body camera sa korte bilang ebidensiya.

Magugunitang ipinasakamay ng PNP ang 3,000 body camera sa iba’t-ibang city police stations at plano pa nilang makabili ng 30,000 iba pang units para magsilbing mata ng mga kapulisan sa kanilang operasyon.