Kinumpirma ng Commission on Elections na ilalabas nila ngayong linggo ang mga guidelines sa paghahain ng Certificate of Candidacy at Certificate of Nomination and acceptance para sa nalalapit na 2025 midterm election.
Ayon kay Commission on Elections spokesperson John Rex Laudiangco, kabilang sa kanilang ilalabas na guidelines ay para sa mga lalahok sa party-list system of representation.
Aniya, magsisimula ang paghahain ng Certificate of Candidacy para sa mga tatakbo sa May 2025 midterm polls ay sa darating na October 1 hanggang 8 ng kasalukuyang taon.
Paliwanag pa ng tagapagsalita ng Comelec na kabilang sa mga bagong guidelines sa ilalim ng Comelec resolution ang pagbabawal ng substitution ng mga kandidato pagkatapos ng huling araw ng filing period.
Samantala, sinabi ni poll chief Erwin Garcia na kasama rin sa guidelines ang mga aspirants na pumayag sa Comelec na mag-post ng kani-kanilang CoCs sa poll body website.