Magiging pahirapan ngayon para sa mga organizers ng mga caravans at motorcades ng mga tumatakbong kandidato sa 2022 national at local elections kasunod pag-iisyu ng Manila Development Authority (MMDA) ng guidelines sa National Capital Region (NCR) sa pagsasagawa ng mga naturang aktibidad.
Ito ay para siguruhin ang kaligtasan ng mga lansangan dito sa Metro Manila.
Sa guidelines na inilabas sa pamamagitan ng Office of the General Manager for Operations ng MMDA, dapat ay ma-regulate at ma-evaluate ang aplikasyon sa pagsasagawa ng mga caravans at motorcade bago mag-isyu ng permit para magsagawa ng mga aktibidad sa mga major thoroughfares ng Metro Manila.
Nasa bola naman ng mga local government units (LGUs) ang pag-regulate, pag-evaluate at pag-issue ng mga permit para sa mga naturang aktibidad sa mga kalsada.
Limitado rin lamang dapat ang mga caravans mula alas-5:00 hanggang alas-10:00 ng umaga.
Ang unang gagawin ng mga organizers ay dapat magsumite ng kaukulang aplikasyon para sa Roadway Private Utilization Permit (RPUP) sa MMDA o mga concern Metro Manila LGUs.
Dapat nakalagay dito ang pangalan ng event at organisasyon, petsa kasama ang oras, ang kanilang ruta, estimated na bilang ng mga motor vehicles na lalahok, program of activities at iba pang mahalagang detalye kaugnay ng kanilang planong motorcades o caravans.
Pagkatapos nito ay ie-evaluate naman ng MMDA o Metro Manila LGUs ang aplikasyonat saka mag-iisyu ng Roadway Private Utilization Permit (RPUP) at saka magtatalaga ng traffic management plan at magsasagawa ng public information at awareness campaign para sa dahilan ng naturang aktibidad.
Kapag nakitaan ng paglabag sa undertaking o material misrepresentation sa aplikasyon ay magiging ground ito ng pagsuspinde o pagkansela sa kanilang Roadway Private Utilization Permit (RPUP).
Isa pang dapat makumpleto ng mga organizers ng mga motorcades ang Land Transportation and Traffic Code, rules and regulations ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at guidelines ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases kaugnay ng kanilang mga protocols laban sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).