Walang nakikitang problema ang Joint Task Force COVID Shield sa mas pinaluwag na “age restriction” ngayong umiiral ang community quarantine.
Ayon kay JTF COVID Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar, dahil pwede nang lumabas ang mga indibidwal na 15 hanggang 65 ang edad, hindi na sila ituturing na quarantine violator.
Sinabi ni Eleazar , naghihintay pa sila ng specific guidelines sa bagong polisiya dahil nakasaad sa naunang Omnibus guidelines na bawal lumabas ang mga menor de edad at senior citizen.
Aniya, mananatili pa rin ang mga quarantine control points sa mga lalawigan.
Pabor din ang Joint Task Force COVID Shield sa bagong polisiya na one seat apart sa mga pampublikong transportasyon.
Giit ni Eleazar mas madali na ito para sa mga law enforcer dahil di na kailangan pang magdala ng metro para sukatin ang distansiya.
Naniniwala ang heneral na pinag aralan ang bagong polisya at ikinunsidera hindi lang ang kalusugan kundi pati na rin ang ekonomiya.
Inatasan na rin ni Eleazar ang mga pulis na regular i-monitor ang mga pampublikong sasakyan kung nasusunod pa rin ang mga health protocol.
x