-- Advertisements --
image 308

Labis na ikinatuwa ng Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Rueda-Acosta ang conviction ng nasibak na pulis na si Jeffrey Sumbo Perez na sangkot sa pagpatay sa mga teenagers an sina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo “Kulot” De Guzman.

Sinabi ni Acosta na ang conviction ng dating pulis ay patunay lamang na gumugulong ang justice system sa banasa.

Pinapurihan naman ni PAO chief Persida Acosta ang naging desisyon ng Navotas Regional Trial Court na patawan si Perez ng reclusion perpetua without eligibility for parole para sa pagkamatay ng 19-anyos na si Arnaiz at 14-anyos na si De Guzman.

Ipinag-utos rin ng korte na magbayad si Perez sa kamag-anak ni Arnaiz ng P390,000 at P300,000 naman sa pamilya ni de Guzman.

Kung maalala, si Arnaiz ay napatay ng Caloocan police officers noong August 18, 2017.

Sinabi ng mga otoridad noon na nang-hold-up ang biktima ng taxi driver.

Kalauman ay natagpuan din si De Guzman na kaibigan ni Arnaiz na namatay at mayroon itong 28 saksa sa kanyang katawan.

Natagpuan ito sa Gapan, Nueva Ecija na nakabalot ang ulo ng packaging tape.

Maliban kay Perez, isa pang police officer ang inakusahang konektado sa pagpapatay.

Ito ay si PO1 Ricky Arquilita na namatay habang nakaditine noong April 2019.