ILOILO CITY – Itinuturing ng National Union of Journalist of the Philippines na ‘worst single attack against journalist in the world” ang Maguindanao Massacre noong 2009.
Ito ang kasunod ng guilty verdict laban sa ilang miyembro ng pamilya Ampatuan sa Promulgation of Judgement: Maguindanao Massacre case.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Nestor Burgos Jr., Chairperson ng National Union of Journalists of the Philippines, sinabi nito na ang Maguindanao massacre ay maituturing na pinakamadugong pag-atake sa media.
Ang hatol na guilty verdict makaraan ang 10 taon ayon kay Burgos ay malaking bagay para sa pamilya ng mga biktima at nagpapakita lamang ito na buhay ang justice system sa bansa.
Sinabi ni Burgos na hindi lamang ang mga Pilipino ang umaantabay sa magiging hatol kundi pati na rin ang mga nasa ibang bansa.
Hinangaan rin ni Burgos ang katatagan ng pamilya ng mga biktima dahil sa kabila ng agam-agam, nanatili silang matibay at nagpursige upang ituloy ang kaso laban sa mga sangkot sa krimen.