Labis na ikinagalak ng MalacaƱang ang guilty verdict ng Syrian District Criminal Court sa employer ng overseas Filipino worker (OFW) na si Joanna Demafelis na pinatay at isinilid sa freezer ng isang taon sa Kuwait.
Magugunitang sang-ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), guilty sa kasong murder si Mouna Ali Hassoun habang hinatulan din sa parehong kaso ang asawa ni Hassoun na si Nader Essam Assaf sa Lebanon.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, malugod nilang tinatanggap ang magandang balita at nakamit na ang hustisya para kay Demafelis.
Kung maaalala, malamig ng bangkay nang matagpuan si Demafelis na nakasilid pa sa freezer sa loob ng isang abandonadong apartment sa Kuwait noong Febuary 2018.
Ang insidente ng pagkamatay ni Demafelis ang nagtulak kay Pangulong Rodrigo Duterte na pagbawalan ang pagpapadala ng mga Filipino workers sa Gulf State.
Dahil sa insidente, nalagay pa sa alanganin ang diplomatic relations ng Pilipinas at Kuwait.