Pinagtibay ng Sandiganbayan ang hatol nitong guilty sa kasong graft at malversation ni Castaneda, Nueva Vizcaya Mayor Jerry Pasigian kaugnay ng kwestyonableng paggamit umano nito sa sasakyang pagmamay-ari ng gobyerno.
Batay sa resolusyon ng 5th Division, nakasaad na walang sapat na basehan para baliktarin nila ang naunang desisyon sa kaso noong 2018.
“No new matter having been alleged in the instant motion assailing the decision of December 6, 2018, thus, the court finds no persuasive reason to reconsider,” ayon sa anti-graft court.
Nag-ugat ang kaso ni Pasigian sa maanomalyang pagbili umano nito ng isang 2003 Nissan Patrol na nagkakahalaga ng P1.29-milyon noon 2009 sa isang Gilbert Arellano.
Hindi raw ito sa dumaan sa requirement na public bidding.
Matapos nito, ay hindi rin daw binalik ng alkalde ang sasakyan sa lokal na pamahalaan na siyang nagmamay-ari nito, dahil kanya raw itong ni-rehistro sa sarili.