TACLOBAN CITY – Itinuturing umanong tagumpay ng mga residente ng Samar ang hatol na guilty ng Sandiganbayan kay 2nd District Rep. Milagrosa Tan kaugnay ng kaso nitong graft.
Ayon sa complainant na si Fr. Noel Labendia ng “Isog Han Samar Movement,” hindi maipinta ang kagalakan ng kanilang hanay dahil sa 13 taong pag-aantay sa desisyon ng korte sa kaso.
Patunay raw ito na umiiral ng tama ang hustisya sa bansa kahit sino pa ang opisyal na idinadawit sa mga kontrobersya.
Sa ngayon, kumbinsido umano ang kanilang kampo na idiin ang kongresista sa issue matapos nitong maghain ng mosyon kontra sa hatol ng anti-graft court.
Nag-ugat ang reklamo kay Tan noong siya pa ang gobernador ng Samar matapos umanong pumasok sa isang maanomalyang kontrata ng bumili ng emergency supplies sa halagang higit P16-milyon.