-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patuloy pa rin na nagpapagaling sa ospital si Guimaras Governor Dr. Samuel Gumarin matapos nagpositibo sa COVID-19.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Gumarin, sinabi nito na mild asymptomatic siya.

Ayon sa gobernador, fully vaccinated na siya ng Sinovac COVID-19 vaccine kung saan isa siya sa mga naunang naturukan ng bakuna dahil isa rin siyang medical doctor.

Naging pahirapan naman ang pag-admit ni Gumarin sa ospital dahil puno na ang mga COVID-19 beds sa mga ospital sa Iloilo City kung saan siya na admit.