ILOILO CITY – Ipinatupad na ng Guimaras Provincial Government ang pansamantalang pagsuspende ng tour ng mga turistang galing sa Wuhan, China.
Sa Executive Order na ipinalabas ni Gov. Samuel Gumarin, nakasaad na pinagbabawalan ang pagpasok ng mga turistang galing sa Wuhan, China gayundin ang mga walang clearnce galing sa Department of Health – Bureau of Quarantine.
Kabilang sa mga dahilan na inilatag ni Gov. Gumarin ay ang posibilidad na maapektuhan ang inhabitants at agri-eco tourism industry ng Guimaras kung makapasok sa isla ang infected person lalong-lalo na may may persons under investigation na sa Western Visayas.
Kabilang rin sa mga dahilan ay ang pangamba na dulot ng 38 anyos na babaeng Chinese National na nagpositibo sa Novel Coronavirus matapos nakumpirma ng Victorian Infectious Disease Reference Laboratory sa Melbourne, Australia ang laboratory test.
Maliban dito, ideneklara rin ng World Health Organization sa Geneva na isang public health emergency of international concern ang Novel Coronavirus.
Ayon sa tala ng World Health Organization, mahigit na sa 170 ang namatay, 82 na kaso ang naitala sa 18 na ansa at lalo pang lomobo ang infected persons.