-- Advertisements --

ILOILO CITY – Wala pa ring natatanggap ang Local Government Unit ng Guimaras na kopya ng imbestigasyon ng Maritime Industry Authority hinggil sa nangyaring Iloilo Strait tragedy kung saan 31 ang namatay.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Buenavista, Guimaras Mayor Eugene Reyes, sinabi nito nagpadala na siya ng sulat sa Maritime Industry Authority ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring sagot ang nasabing ahensya ng gobyerno.

Ayon kay Reyes, maliban sa imbestigasyon, gusto rin sana niyang makakuha ng rekomendasyon ng Maritime Industry Authority.

Inihayag ni Reyes na kung walang maibibigay na resulta ng imbestigasyon at rekomendasyon, ang nasabing ahensya na sana ang magpaliwanag sa publiko hinggil sa nangyaring insidente.