-- Advertisements --
GUIMARAS ILOILO RELATIVES flower

ILOILO CITY – Nakatakdang isagawa ngayong araw ang legislative inquiry ng sangguniang panlalawigan ng Guimaras kaugnay sa nangyaring Iloilo Strait tragedy kung saan 31 pasahero ang namatay.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Guimaras Vice Governor John Edward Gando, sinabi nito na dadaluhan ng mga na-relieve na opisyal ng Philippine Coast Guard Iloilo, Philippine Coast Guard-Guimaras at Maritime Industry Authority, mga pump boat crew at operators, mga survivors at mga rescuers ang nasabing legislative inquiry.

Ayon kay Gando, layunin nito na alamin ang tunay na nangyari bago at pagkatapos tumaob ang tatlong mga motorbanca na MB Keziah 2, MB Chi-chi at MB Jenny Vince.

Ani Gando, aalamin din sa nasabing legislative inquiry kung ano ang protocol sa pagsasagawa ng rescue operation ng Philippine Coast Guard at iba pang rescue volunteers at kung sinunod ba ito.

Dagdag pa ng opisyal, ang magiging resulta ng legislative inquiry ay magsisilbing paghahanda rin para sa gagawing inquiry ng national government lalo na ang Kongreso kung sakali.