-- Advertisements --
ILOILO CITY – Epektibo na ngayong araw ang local border restriction sa Lalawigan ng Guimaras.
Ito ay kasunod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan at sa Iloilo City kung saan Iloilo Strait lang ang pagitan ng dalawang isla.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Guimaras Vice Governor Atty. John Edward Gando, sinabi nito na nararapat na magpakita ng travel pass upang makalusot sa mga border lalo na ang mga sasakay sa sakayang pandagat via Guimaras- Iloilo City and vice versa.
Ang mga business establishment ay bukas mula las 6:00 ng umaga hanggang 1:00 ng hapon at ang mga sakayang pandangat ay mula la 6:00 ng umaga hanggang las 3:00 ng hapon.