-- Advertisements --

ILOILO CITY – Namigay ng isang sakong bigas ang pamahalaang panlalawigan ng Guimaras sa mga mamamayan na apektado ng Level 2 enhanced community quarantine dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Guimaras Governor Atty. John Edward Gando, sinabi nito na umabot sa 50,000 sako ng bigas ang kanilang ipamimigay sa bawat pamilya sa kanilang probinsya.

Ayon kay Gando, sa ngayon 30,000 sako ng bigas na ang kanilang naipamigay kung saan unang binigyan ang mga mahihirap na pamilya.

Ani Gando, ang pondong ginamit sa pagbili ng bigas ay nagmula mismo sa supplemental budget ng probinsya.

Ang nasabing bigas ay nagmula sa National Food Authority kung saan ito ang produktong lokal ngunit nasa mabuting kaledad.

Maliban sa provincial government, magbibigay din ng karagdagang ayuda ang municipal government.