CEBU CITY – Nagpaabot mensahe na tila may natutunan si Buenavista, Guimaras Mayor Eugenio Gallo Reyes hinggil sa sinapit na trahedya sa karagatan ng kanyang area of responsibilty.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu kay Reyes, sinabi nito na sa mga sitwasyong tulad ng nangyari sa MV Jenny Vince, kailangang ma-establish ng maayos ang mga polisiya at standard operation ng coast guard.
Kailangan din aniyang tutukan ang manipesto na dapat mailista ang tunay na mga pangalan ng mga pasahero at ‘yaong totoong nakasakay.
Higit sa lahat, kailangan umanong may training at kaalaman ang lahat ng crew ng isang motorbanca sa pag-rescue ng mga pasahero para handa sakaling may mangyaring sakuna sa dagat.
Nagsagawa na rin daw ng imbestigasyon ang Buenavsita local government unit tungkol sa nangyari kung may lapses ba talaga.
Maliban kasi sa nadisgrasyang motorbanca, may pinayagan din ang coast guard na iba pang pumpboat pero wala namang nangyaring disgrasya.
Samantala, ikinuwento ng isang Marcialisa Janson ng Ermita, Cebu, ang pagpaparamdam umano ng kanyang asawang si Bernardo at apat na taong gulang na anak na si Jared na kapwa nasawi sa insidente.
Ang kanyang ibang anak aniya ang nanaginip na niyakap ng kanyang kapatid na tila ang saya-saya pa raw nito habang nakikita rin ang ama.
Napag-alaman na hanggang ngayon ay patuloy ma hinahanap at kinilala ang iba pang labi ng Janson at Baguio family na kabilang sa mga nalunod.