-- Advertisements --

CEBU CITY – Napakalaki umanong tulong para sa pamilya na mga Cebu victims na nasawi sa Guimaras-Iloilo Strait tragedy, ang pera na matatanggap nila ngayong araw mula sa Yanson Group of Bus Companies at Yanson Foundation.

Makakatanggap ang Janson at Bagiuo family ng Barangay Ermita Cebu ng P10,000 financial assistance sa pamamagitan ng Bombohanay Bigtime ng Bombo Radyo Cebu ngayong umaga.

Ayon kay Romhil Bagiuo, malaking tulong ito sa kanilang pagbangon ngayong nailibing na ang kanilang mga pamilya atwala silang mga trabaho.

Ang mga namatay kasi sa Bagiuo family ay ang breadwinner ng kanilang pamilya kaya ang matatanggap na tulong pinansyal ay ilalaan daw ng kanyang ina para sa pag-aaral ng kanyang mga kapatid.

Unti-unti na rin naman aniya nilang natatanggap ang nangyari at handa nang mag-move on dahil ang lahat ng ito’y plano ng Maykapal.

Ang Yanson Family ang may-ari ng pinakamalaking bus company sa bansa na pinangungunahan ni Doña Olivia Villaflores Yanson kung saan pinapatakbo din sa Cebu ang Ceres Bus Liner sa ilalim ng Vallacar Transit Inc.