-- Advertisements --
LEGAZPI CITY – Abala na ngayon sa paghahanda ang lokal na pamahalaan ng lalawigan ng Sorsogon para sa inaabangang Kasanggayahan Festival na magsisimula na sa Oktubre 1 hanggang 31.
Highlight ng month long activity ang target ng LGU na masungkit ang Guiness World Record sa largest Filipino folkdance sa sabay-sabay na pagsasayaw ng Pantomina sa kalye.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Sorsogon Provincial Tourism head Bobby Gigantone, kumpiyansa ang opisyal na makukuha ang record dahil sa target na 5,000 dancers, inaasahang 7,000 ang makikisabay sa aktibidad.
Nabatid na ito na ang unang pagkakataon na may magtatangkang makagawa ng record para sa largest folkdance.