![sorsogon dance guiness](https://img.bomboradyo.com/newscenter/2019/11/sorsogon-dance-guiness.jpg)
LEGAZPI CITY – Matagumpay na nakuha ng Sorsogon ang Guinness World Record para sa “world’s largest folk dance performed” sa isinagawang ”Pantomina sa Tinampo.”
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Jerome Theo, ang organizer ng ”Pantomina sa Tinampo,” kahapon ay pormal nang inanunsyo ng Guinness Record representative ang pagkakakuha ng lalawigan sa nasabing record.
Nasa 7,127 ang naitalang sabay-sabay na sumayaw ng folk dance base sa validation ng adjudicator.
![sorsogon dance chiz hear](https://img.bomboradyo.com/newscenter/2019/11/sorsogon-dance-chiz-hear.jpg)
Tinatayang tumagal ng 34 minutes ang pagsayaw ng mga dancers sa tugtog ng Pantomina na sinabayan mismo ni Sorsogon Gov. “Chiz” Escudero, celebrity wife nito na si Heart Evangelista, at iba pang mga lokal na opisyal.
Matapos ang aktibidad at ang pormal na anunsyo, nagkaroon din ng maikling programa para sa kasiyahan at bilang pasasalamat sa lahat ng mga nakisali sa event.
Samantala, inihayag ni Theo na layunin ng aktibidad hindi lang upang makakuha ng Guinness Record subalit upang maipakita sa buong mundo ang makulay na kultura ng mga Filipino sa larangan ng folk dance.
![sorsogon dance guiness record](https://img.bomboradyo.com/newscenter/2019/11/sorsogon-dance-guiness-record.jpg)