CAGAYAN DE ORO CITY – Naagaaw ngayon ng political oppositions ang ilang mga balwarte o kontrolado na mga syudad at bayan na pinanghahawakan ng mga malalaking pangalan ng politika sa Misamis Oriental.
Ito ay matapos tinalo ni mayoralty elect Enan Sabio si incumbent Tagoloan Mayor Manok Emano sa nakuha nitong boto na 16,816 laban sa 15,961 votes.
Ang bayan ng Tagoloan ay ang itinuring na pinagmulan ng politial career ng mga Emano na pinangunahan ni late former governor at ex-Cagayan de Oro City Mayor Vicente “Dongkoy” Emano na sinundan ni reelectionist Misamis Oriental Gov Bambi Emano at iba pang mga kaanak nito.
Samantala, tinalo rin dating city Vice Mayor Eric Canyosa si incumbent Gingoog City Mayor Marie Guingona sa Misamis Oriental.
Kilala na balwarte ng mga Guingona sa matagal na panahon ang Gingoog City na kung saan dati ring nagsilbing alkalde ang kanyang ina na si dating provincial governor at incumbent City Vice Mayor Ruth de lara Guingona.
Si Canyosa ay mayroong nakuha na boto na 35,390 habang si Guingona ay nagkaroon lamang ng 29,509 votes sa katatapos lamang ng halalan.
Pinayukod din ang runningmate ni Canyosa na si incumbent Misamis Oriental 1st District Rep Pedro Unabia si current City Mayor Marie Guingona para sa posisyon na pagka-bise alkalde sa lungsod.
Nakalikom si Unabia ng 35,504 votes habang nakababatang Guingona ay mayroon lamang 28,715 votes.
Samantala, malaki na ang kalamangan ni Misamis Oriental Gov Bambi Emano laban sa kanyang katunggali na si dating Vice Gov Julio Uy sa patuloy na bilangan ng mga boto sa provincial board of canvassers.
Si Emano ay nakakuha ng 294,248 votes habang si Uy ay higit 100,000 pa lamang sa patuloy na bilangan.
Samantala,hawak pa rin ni incumbent City Mayor Oscar Moreno ang pagiging alklade ng Cagayan de Oro City kahit hindi pa pormal na naiproklam ng city board of canvassers.
Ito ay matapos nasa 153,7082 votes na si Moreno laban kay dating Department of Agriculture Undersecretary Jose Gabriel La Vina na mayroong 87,390.
Nag-concede na rin ang dalawa pang mayoralty candidates na sina Dok Felix Borres Jr at Benjamin Contreras dahil sa mababa na boto na nakuha nila sa halalan sa lungsod.
Samantala, sa pagka-bise alkalde ng lungsod,nangunguna naman si incumbent City Vice Mayor Rainer Kikang Uy na mayroong 137,701 votes habang ang namayapa na si Dongkoy Emano na pinalitan ng kanyang anak na si City Councilor Nadya Emano-Elipe ay nakatipon ng 97,657 votes.