Nabigyan ng pagkilala mula sa Guiness World Records ang Pinay obstacle course racing medalist na si Silamie Apolistar-Gutang matapos nga nitong lumahok sa World’s highest altitude obstacle race na ginanap sa Mt. Kilimanjaro sa Tanzania.
Sa exclusive interview ng 89.5 Star FM Baguio sa atleta, labis ang pasasalamat nito sa pagkilalang natanggap at Inamin rin nito na kahit na mas mahirap ang kanilang sinalihang kompetisyon Kumpara sa kanilang pagsasanay ay kanilang tiniis ang hirap sa karera dahil nais raw talaga nilang makuha ang nasabing world record.
“Before kami nag sign-up, yun na yung target na mag-create ng record. Talagang inendure lang namin yung hirap, baon namin yung teamwork at tiwala sa isa’t-isa. It is fulfilling, nakaka-satisfy as an athlete especially as a woman and as a Filipino. Mas nainspire ako to do more, to do good. Masaya lang isipin na kaya ko palang gawin to”.
Samantala, Dedepensahan ng Pilipinas Obstacle Sports Federation ang kanilang titulo sa nalalapit na OCR World’s Championships na gaganapin sa Morocco sa Agosto at Mt. Everest sa Nobyembre.