-- Advertisements --

Naglunsad ng imbestigasyon ang Guinness World Records kung ang pumanaw na asong si Bobi ng Portugal ay siyang pinakamatandang aso sa buong mundo.

Noong nakaraang buwan kasi ay namayapa na ang Portuguese mastiff na si Bobi sa edad na 31 at 163.

Para magkaroon ng legitimacy ng nasabing impormasyon ay minabuti ng Guinness na magsagawa ng imbestigasyon.

Base sa mga beteranaryo na nakakaduda ang tagal ng pagkabuhay ng nasabing aso.

Ang haba kasi na buhay ng purebred Rafeiro do Alentejo ay mula 12 hanggang 14 na taon.

Ikinumpara nila ang larawan na kumalat onlne noong 1999 na magkaiba ang mga paa na ito ni Bobi kaysa sa nasabing larawan.

Ang edad ni Bobi ay nakarehistro umano sa Veterinary Medical Service ng bayan ng Leira sa Portugal noong 1992.