-- Advertisements --
TUGUEGARAO CITY – Sabay-sabay na sumayaw na may may hawak na torch ang nasa 3,500 na estudyante kagabi bilang bahagi ng Afi Festival.
Ibig sabihin ng afi ay apoy.
Kaugnay nito, sinabi ni Mayor Jefferson Soriano ng Tuguegarao na target nila sa susunod na taon na malampasan ang Guinness Book of World Records title ng Indonesia na may pinakamaraming nagsayaw at pumarada na may hawak na sulo.
Sinabi ni Soriano na sisikapin nila na makakuha ng 4,000 participants upang malampasan ang record ng Indonesia na 3,777.
Kasabay nito, nagpasalamat si Soriano dahil naging payapa ang aktibidad sa gitna na rin ng kumakalat na banta ng terror attack sa lungsod.