-- Advertisements --

Nai-record sa Guiuan, Eastern Samar ang pinaka mataas na heat index o damang init nitong Martes, Abril 2, 2024.

Ayon sa state weather bureau, pumalo sa 46 degrees Celsius ang naitala sa naturang lugar.

Ang nasabing temperatura ay maihahanay sa danger level na maaaring magdulot ng pinsala sa mga direktang mabababad sa sikat ng araw.

Maliban sa nasabing lugar, narito ang iba pang mataas na heat index nitong Martes:

Metro Manila – 43°C
Laoag City – 41°C
Dagupan City 43°C
Aparri, Cagayan – 43°C
Tuguegarao City – 41°C
Cavite – 42°C
Occidental Mindoro – 42°C
Palawan – 43°C
Pili, Camarines Sur – 43°C
Roxas City, Capiz – 44°C
Iloilo City – 43°C
Catarman, Northern Samar – 42°C
Cotabato City – 41°C
Zamboanga City – 41°C