-- Advertisements --

May ibang paniniwala ang may-ari ng isa sa mga oil tanker na pinasabog sa Persian Gulf. Base raw ang impormasyon na ito mula sa pakikipag-usap nila sa 21 pinoy crews ng sakay ng oil tanker.

Ayon kay Yutaka Katada, presidente ng Kokuka Sangyo, mga lumilipad na pampasabog umano ang tumama sa kanilang barko at hindi limp mime.

“The crew are saying it was hit with a flying object. They say something came flying towards them, then there was an explosion, then there was a hole in the vessel,” ani Katada.

May ibang crew naman na nakakita ng ilan pang pampasabog mula sa himpapawid.

Taliwas ito sa naging pahayag ng United States na limpet mime ang naging dahilan ng pagsabog ng dalawang oil tanker noong Biyernes. Naglabas din ang US officials ng video footage kung saan makikita ang pinaniniwalaan nilang Iranian vessel na tila may tinatanggal na limp mime at papalayong lumayag mula sa sumabog na oil tanker.

Ngunit pinabulaanan ito ni Katada at nagpahayag ng ilang alternatibo sa posibleng tunay na naganap.

“If it’s between an explosion and a penetrating bullet, I have a feeling it is a penetrating bullet. If it was an explosion, there would be damage in different places, but this is just an assumption or a guess,” ani Katada.

Nabatid din ng mga opisyal na may dalang methanol ang oil tanker na nagmula pa sa Saudi Arabia at dapat sana ay patungong Singapore . Dagdag pa ng mga pinoy crews, una silang inatake gamit ang artillery shell na naging dahilan ng pagkasunog ng isa sa mga storage room.

Tatlong oras makalipas ang unang pag-atake, muli raw na may tumamang pampasabog sa kanilang barko at dito na rin nag-utos ang kanilang kapitan na likasin ang barko.

“When the shell hit, it was above the water surface by quite a lot because of that there is no doubt that it wasn’t a torpedo,” dagdag ni Katada.