Nagdeklara na ng kanilang tagumpay ang Taliban militants matapos maangkin ang capital city na Kabul.
Bumagsak na ang gobyerno ng Afghanistan at may mga ulat na ang pangulo nito na si Ashraf Ghani ay tumakas na rin patungong Uzbekistan.
Libo-libong mga residente at foreign nationals ang sinusubukang tumakas sa Kabul kung saan makikita na nagkaggulo at nag-panic ang mga residente sa airport.
Mahigit 60 bansa na ang naglabas ng “joint statement” na pawang nanawagan na ibalik ang security at civil order.
Ipinapanawagan na rin nila sa Taliban na payagan ang mga residente na gustong umalis sa Kabul.
Mas maaga ngayong araw, natapos ng US ang paglikas ng embahada nito.
Ang mga aktibista naman ay nagpapahayag ng mga pag-alala para sa mga kababaihan sa Afghanistan sa gitna ng mga ulat na pinipilit na ng Taliban ang mga pagbabago sa ilang bahagi ng bansa.