-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nagpahayag nang pagkadismaya ang ilang mga overseas Filipino workers (OFW) sa umano’y bias na pagbabalita ng ilang media sa nangyayaring kaguluhan sa Israel at Palestine.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Joana Ramos, OFW sa Netanya, Israel, nakakalungkot umano na parang pinapalabas ng ilang international media at maging local media sa Pilipinas na Israel ang nagsimula ng pag-atake at nandadamay sa mga sibilyan.

Taliwas umano nito layunin lamang ng gobyerno ng Israel na maproteksyonan ang kanilang mga residente mula sa pag-atake ng mga militanteng Hamas na nagtatago sa Gaza.

Nakakalungkot lamang na mas marami ang namamatay sa panig ng Palestine dahil wala silang Iron Dome na sumasalo sa mga rocket hindi kagaya ng Israel.

Panawagan nito sa international media na maging bukas sa panig ng iba at huwag maging bias sa pagbabalita na hindi umano nakakatulong sa nangyayaring kaguluhan.