-- Advertisements --
Yanson bus bacolod ceres
Yanson / Bacolod photo

BACOLOD CITY – Tiniyak ng Vallacar Transit Incorporated sa riding public na sisiguruhin nila na maayos ang kondisyon ng mga bus na nakagarahe sa ngayon sa Barangay Alijis, Bacolod City bago makabyahe.

Ito ay matapos matuklasan ng mga kasapi ng media na sinira ang gulong ng mga bus na nakagarahe sa Yanson property matapos iniutos ang suspension ng byahe nitong Miyerkules.

Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod sa appointed president na si Roy Yanson, inamin nitong iniutos niya na sa Barangay Alijis muna gagarahe ang mga Ceres bus dahil masikip na sa Bacolod South Terminal ang halos 400 na mga bus.

Ayon sa media relations officer ng Vallacar Transit Incorporated na si Jade Seballos, nawawala rin ang ibang gulong ng mga bus.

Sa ngayon, hindi pa na-retrieve ang mga bus ngunit sa tuwing mabubuksan na ang parking area, titiyakin ng kanilang maintenance department na maganda ang kondisyon ng mga ito bago makabiyahe upang masiguro ang safety ng mga commuters.

Kasabay nito, nanawagan si Seballos sa mga kapwa nito empleyado na hindi magpadaig sa kanilang emosyon, kundi magtrabaho lang kahit sino sa magkapatid na Roy at Leo Rey Yanson ang umuupong presidente ng Yanson Group of Bus Companies.

Ayon naman kay Roy, walang dapat ikabahala sa mga nasirang gulong dahil mapapalitan ito anumang oras ngunit hindi nito inamin kung sino ang nag-utos sa mga driver at konduktor na sirain ang mga gulong.

Ceres vallacar transit
Ceres transit