-- Advertisements --

Sinimulan na ang aplikasyon ng gun ban exemption para sa 2025 midterm elections ngayong araw ng Lunes, Nobiyembre 18.

Tiniyak ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia na kung kumpletong maipapasa ng aplikante ang lahat ng mga kinakailangang dokumento, isang linggo lamang ay makukuha na ang certificate of authority.

Ang gun ban para sa halalan sa susunod na taon ay ipapairal mula Enero 12 hanggang Mayo 28, 2025 para sa kaligtasan at seguridad ng mga Pilipino sa panahon ng eleksyon.