-- Advertisements --

ILOILO CITY – Magpapapatupad ng 11-day gun ban ang pulisya, kaugnay sa Dinagyang Festival 2023 sa Iloilo City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Lieutenant Colonel Rene Obregon, deputy director for operations ng Iloilo City Police Office, sinabi nito na ang gun ban ay magsisimula bukas, Enero 13 at magtatagal hanggang Enero 23.

Ayon kay Obregon, tanging ang mga police personnel lang ang papayagan na magdala ng armas.

Magiging bahagi rin sa pagpapatupad ng seguridad ang kabuugang 6,000 personnel mula sa Philippine National Police , Philippine Army, Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Fire Protection, Public Safety and Transportation Management Office, Reserved Officers Training Corps mula sa mga kolehiyo.

Maliban dito, magpapadala rin ang Police Regional Office 6 ng 2,000 personnel na sa ngayon ay nakadeploy pa sa Aklan para sa Ati-atihan Festival.