-- Advertisements --
LA UNION – Umaabot na sa 29 na indibiduwal sa Region 1 ang hinuli ng mga otoridad dahil sa paglabag sa Comelec gun ban, simula nang ipatupad ito noong Enero a-9 hanggang sa kasakukuyan.
May kabuuan na rin na 16 na short firearms ang nakumpiska mula sa apat na lalawigan sa rehiyon kabilang na ang La Union.
Sa isinagawang press conference, sinabi ni P/B Gen. Emmanuel Peralta, Regional Director ng PRO-1, dalawang bayan sa La Union ang natukoy ng binuong evaluation team bilang ‘areas of concern’.
Kinabibilangan ito ng Balaoan at Agoo.
Dagdag pa ni Peralta, na nag-deploy na sila ng karagdagang puwersa sa mga naturang lugar na magbabantay sa seguridad at maiwasan ang anumang karahasan na may kaugnayan sa pulitika at nalalapit na eleksiyon.