-- Advertisements --

Umakyat na sa 242 ang bilang ng mga nahuling lumabag sa election gun ban sa bansa.


Batay ito sa datos ng Philippine National Police (PNP) ngayong Biyernes, Enero 21, 2022, kung saan nakapagtala ng 20 bagong lumabag kabilang na ang isang sundalo.

Nagmula ang mga ito sa National Capital Region (NCR), Ilocos, Central Luzon, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas at Zamboanga Peninsula.

Nakumpiska sa kanila ang 14 baril, 4 deadly weapons at 116 na mga bala.

Umabot naman sa 38,279 ang isinagawang checkpoint sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa pagpapatupad ng gun ban.