CAGAYAN DE ORO CITY – Napatay ng mga police ang suspect sa pagpatay sa isang police officer sa Barangay Lampanusan, Kililangan, Bukidnon.
Kinilala ang napatay na si Joseph Maulas na sinasabing isang gun for hire.
Sinabi sa Bombo Radyo Cagayan de Oro ni Bukidnon Provincial Police Office (BPPO) spokesperson Police Capt. Jesselle Longgakit na mayroong nakapagsabi sa kinaroroonan ng suspect kung kayat isinagawa ang joint operation ng Pangantucan at Kalilangan Municipal Police Station para isilbi ang warrant of arrest nito dahil rin sa kasong pagpatay sa buwan ng Pebrero.
Ayon kay Longgakit ng namalayan ni Maulas ang pagdating ng mga police ay agad itong nagpapupok at gumanti naman ng putok ang operating team na nagresulta sa kanyang kamatayan.
Mabilis pang isinugod sa bahay-pagamutan ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival ng mga doktor.
Narekober sa crime scene ang 30 carbine rifle at caliber 45 pistol.
Si Maulas ay ang primary suspect sa pagbaril-patay kay Police Staff Sergeant Rio Tibang noong Abril 28 ng rumesponde ito sa humihingi ng police assistance sa Purok 6, Upper Rancho Bangahan, Pangantucan sa naturang probinsya.