-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Inaalam pa ng pulisya ang sanhi ng pagbaril patay sa pinagdudahang gun for hire member na nakunan ng high caliber pistol.

Sinabi ni Lt. Col. Teody Condeza, spokesperson ng Sarangani provincial Police Office na kanila nang kinukuha ang pagkilanlan ng motor in tandeem na bumaril sa nagpangalang Al Sadam Saybel residente ng Maasim Sarangani Province.

Maneho umano ng biktima ang trasikel subalit ng dumating sa Purok Basak, Barangay Tapon Glan biglang binaril sa likurang bahagi ng katawan ang biktima na nagresulta sa pagkamatay ng biktima.

Nangyari ang pananambang ala 7 ng gabi at kaagad umalis ang mga suspek sa lugar sakay sa isang TMX motorcycle.

Narekober ng pulisya sa pinagyarihang ng krimen ang isang caliber 45 pistol na may silencer at mga magazine ng mga bala na nakalagay sa bag na nasa katawan ng biktima.

Suot pa ng biktima ang maskara ng nagresponde ang mga police sa lugar.

Pinagdudahan ng mga otoridad na may masamang plano ang grupo sa lugar subalit hindi nagawa kayat binaril na lamang ang kanilang kasama.