CENTRAL MINDANAO – Isang makeshift repair shop ng armas ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nadiskubre sa probinsya ng Maguindanao.
Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division chief, Maj. Gen. Cirilito Sobejana, tumanggap sila ng impormasyon sa mga sibilyan sa pag-iral ng isang gun repair shop ng BIFF sa Brgy Midconding General Salipada, Pendatun, Maguindanao.
Agad nagsagawa ng Law Enforcement Operation ang pinagsanib na pwersa ng Criminal Investigation and Detection group-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, 33th Infantry Battalion, 2nd Mechanized Infantry Battalion at PNP 4th Special Action Battalion target ang lugar kung saan kinukumpuni ng mga rebelde ang kanilang mga sirang baril.
Narekober ng mga pulis at sundalo ang mga piyesa ng baril, gamit ng armas at iba’t ibang uri ng bala.
Ang ayusan ng mga sirang armas ay pagmamay-ari ng isang Sukarno Buka na myembro rin ng BIFF na natakatakas bago dumating ang mga otoridad.
Kinompirma rin ng mga lokal opisyal na si Buka at ang kanyang mga tauhan ay gumawa rin ng mga improvised rocket launcher at mga bahagi para sa mga improvised explosive device (IED).
Matatandaan na nakubkob din ng CIDG-BARMM sa pamumuno ni Colonel James Gulmatico ang isang pagawaan ng armas at nakahuli ng apat na myembro ng BIFF sa ikadalawang distrito ng Maguindanao.
Sinabi ni Sobejana na ang pinagsamang operasyon ng Army at pulisya sa Barangay Midconding ay may direktang koordinasyon sa ceasefire committee ng Moro Islamic Liberation Front.
Ang MILF at Pamahalaan ay may kasunduan na magtulungan sa pagtugon sa mga problemang pagseguridad sa bahagi ng Mindanao