-- Advertisements --

Patay ang sinasabing kasabwat ng gunman sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid nang silbihan ito ng arrest warrant.

Kinilala ang sinasabing kasabwat bilang si alias Orly. Nangungupahan umano ito sa isang kuwarto kasama ang kaniyang pamilya sa Lipa City, Batangas, nang puntahan ito ng awtoridad.

Ayon kay Police Major General Jose Melencio Nartatez Jr., tumangging sumuko ang suspek sa kalagitnaan ng raid kaya nagpaputok ang operatiba.

Sa katunayan, ani Nartatez, hinostage pa nito ang kaniyang live-in partner at kanyang anak.

Pero sa huli ay pumunta raw sa banyo si Orly at binaril ang kaniyang sarili.

Ayon sa pulisya, si Orly ang kausap ng sumukong gunman na si Joel Escorial hinggil sa planong pagpatay kay Lapid at malaking tulong sana ang testimonya nito sa pag-usad ng kaso.

Kinilala ng pulisya si Orly bilang si Jake Mendoza, 40-anyos, na naaresto na at nakulong noong Nobyembre 2020 dahil sa ilegal na droga.