Iniharap ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) ang isa sa mga suspek sa pagpatay sa radio broadcaster sa Dumaguete City na si Dindo Generoso.
Magugunitang Nobyembre 7 nang mabaril si Generoso sa Barangay Piapi, Dumaguete habang papasok ito ng trabaho.
Ilang segundong iprinisinta nina Presidential Task Force on Media Security Executive Director Joel Egco si Police Patrolman Roger Rubio na nakasuhan na rin ng murder.
Sinabi ni Usec. Egco, kusang sumuko sa kanyang commanding officer noong Nobyembre 13 ang suspek matapos siyang tugisin ng mga otoridad.
Ayon kay Dumaguete City Police chief Lt. Gen. Wilfredo Alarcon Jr., nadiskubre nilang sangkot si Rubio sa krimen matapos mabasa ang text messages nito kay Teddy Salaw, isa sa mga suspek na nauna nang nahuli ng mga pulis.
Maliban kina Salaw at Rubio, nakasuhan na rin ang murder ang isa pang suspek na si Glenn Corsame habang at pinaghahanap pa ang isa pang sangkot sa krimen na si Tomacino Aledro.
Hindi pa tukoy hanggang ngayon ang motibo ng pagpaslang kay Generoso pero pinag-aaralan ang mga anggulong may kaugnayan sa kanyang trabaho sa media, away politika o away sa lupa.