May tama sa ulo si Jessie Carlos na sumalakay sa Resorts World Manila.
Ayon kay PNP Crime Laboratory Director Police Chief Supt. Aurelio Trampe na sa ulo lang ang tama ng bala ng gunman matapos ang isinagawa nilang autopsy sa bangkay nito.
Sinabi ni Trampe na pumasok aniya ang bala sa pagitan ng leeg at baba ng gunman at lumabas sa bunbunan nito.
Nilinaw naman ni Trampe na walang tama ng bala sa hita si Carlos, taliwas ito sa unang pahayag ng Resorts World na tinamaan ng kanilang security ang gunman.
Pahayag ni Trampe na posibleng dulot lang ng pagod ang paika-ikang pag-akyat ni Carlos sa hagdanan na nakunan ng CCTV.
Habang ang dugo na nakita sa mukha nito ay posibleng daplis lang aniya ng bala.
Nilinaw din ng PNP Crime Lab na kwarto at hindi sarili ang sinunog ni Carlos bago ito nagbaril sa ulo.