Hindi lubos na napababa ang sentensya ng self-confessed gunman na si Joel Escorial na bumaril-patay sa broadcaster na si Percy Lapid.
Ito ay sa kabila ng kaniyang pakikipagtulungan sa mga otoridad sa paglutas sa nasabing kaso sa pamamagitan ng pagbibigay impormasyon sa iba pa sa kaniyang mga kasamahan sa naturang krimen.
Ayon sa abogado ng pamilya ni Lapid na si Atty. Danny Pelagio, pinatawan ng walo hanggang 16 na taong pagkakakulong ng Las Piñas Regional Trial Court Branch 254 si Escorial at hindi rin aniya napababa ang kasong murder na kinakaharap nito sa kasong homicide.
Aniya, sa ngayon ay wala pa naman aniyang inilalabas na written order hinggil sa naturang conviction ngunit naitakda na aniya ang mga conditions at prosecutions ukol dito na tinanggap naman ni Escorial.
Samantala, nakatakda naman sa Hunyo 24, 2024 ang magiging susunod na pagdinig ng korte hinggil sa kasong ito.